Lokal na pamahalaan ng Batangas, nilinaw na hindi pa isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan

Manila, Philippines – Nilinawng lokal na pamahalaan ng batanags na hindi pa nila isinasailalim sa State of Calamityang lalawigan matapos ang nangyaring magnitude 5.5 na lindol.
 
Ayon kay Levi Dimaunahan,Batangas provincial administrator, patuloy pa rin kasi ang kanilang assessmentat pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matukoy kung gaanokalawak ang sakop ng damage ng naturang lindol.
 
Una na kasing inanunsyoni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na isinailalim sa State of Calamity anglalawigan dahil pinsalang naitala sa nasabing lindol.
 
Kinumrpima naman ni BatangasPDRRMO Head Joselito Castro na wala namang naitalang casualty at mga nasugatansa naganap na pagyanig.
 
Nagpaalala pa ng PDRRMOsa publiko na huwag magpanic kasabay ng mga aftershocks na nararanasan.
 
 

Facebook Comments