Mangongolekta na ang lokal na pamahalaan ng Bolinao ng 40 pesos na User’s Fee o Environment and Registration Fee sa mga turistang magpupunta sa mga pampublikong pasyalan dito.
Ito ay base sa Rule X Section 1 ng Municipal Tourism Code Implementing Rules and Regulation.
Ang Bolinao ay mayroong 14 na lugar na maaring pasyalan ng mga naghahanap ng mapupuntahan ngayon summer season. Kinabibilangan ito ng ; 1. Patar Public Beach 2. Falls 3. Caves 4. St. James the Great Parish 5. Camp Puor 6. Hidden Spring 7.Rock Formations 8. Dragon Hills 9. Opag Mangrove Nursery 10. River Cruise 11. Binugey Stall 12.Lighthouse 13. People’s Market 14. St. Claire Monastery.
Ang 40 pesos ay gagamitin upang mapanatiling malinis at maayos ang mga nabanggit na lugar.
Mayroon umanong itinalagang collection area ang lokal na pamahalaan upang doon makapagbayad ang mga turista.
Ito ay magagamit sa loob ng apat na araw na pamamalagi sa bayan.
Nilinaw ng lokal na pamahalaan na hindi kabilang ang entrance fee, parking fee, at cottage rental ay hindi kasama sa binayaran.
Libre naman ang mga residente ng bayan at mga batang edad 12 pababa.
Kahapon, 12:00 ng tanghali nang inanunsyo ng lokal na pamahalaan na puno na ang Patar Beach at hinihikayat na magtungo ang ilang turista sa iba pang pook pasyalan na nabanggit. | ifmnews
Facebook Comments