Roxas City – Magpapadala ng mahigit sa 200 sako ngbigas ang pamahalaang lokal ng Capiz bilang karagdagang tulong para sa mga residente ng Marawi Cityna naipit sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng mga AFP at Maute terrorgroup sa Mindanao, ito ang kinumpirma ni Vice Gov. Nonoy Evan Contreras . Saisang resolution ng Sangguniang panlalawigan, binigyan ng pahintulot si Capiz Gov.Antonio del Rosario na makapagpalabas ng pondo para sa ibibigay na tulong samga bakwit na nasa ibat-ibang evacuation centers.
Inaasahang sa susunod na linggo ipapadala na itosa Local Government Unit ng Marawi City na siyang nangangasiwa sa mga donasyonat tulong na inaabot sa libo-libong biktima ng digmaan.
Sinabi ni Vice Gov. Contreras na gustong ipadamang Capiz na hindi nag-iisa ang Marawi City at Lanao del Sur sa oras ngpangangailangan sapagkat marami parin ang handang tumulong mula sa ibat-iabanglalawigan sa buong bansa.
tags:Visayas,Roxas,DYVR,DYVR657,Straight to the point,Kasamang Jessie,Marawi City,Lanao del Sur,Capiz Provincial Government,Vice Governor Esteban Evan Contreras,Gov. Antonio del Rosario,AFP
Lokal na Pamahalaan ng Capiz, magpapadala ng 200 sako ng bigas sa Marawi City
Facebook Comments