Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga residente ng Catanduanes na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Sa muling pagbisita ni PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, nagpa-abot ito ng karagdagang tulong sa nasabing probinsya.
Lubos naman na nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa Red Cross sa naging pagresponde nito.
Ayon kay Catanduanes Mayor Joseph Cua, isa ang PRC sa mga unang nagpadala ng tulong sa kanila gaya ng hygiene kits, shelter kits, family food packs at ng malinis na tubig.
Aniya, hindi nito makakalimutan ang water filtration system ng PRC kung saan halos 400,000 liters ang naiproseso para gawing malinis at inuming tubig.
Dumaong din sa lalawigan ng Catanduanes ang first at only humanitarian vessel ng PRC, ang M/V Amazing Grace, bitbit ang iba pang pangangailangan ng mga nasalanta tulad ng blankets, sleeping mats, mosquito nets, jerry cans at galvanized iron (gi) sheets para sa pagsasa-ayos ng mga bubong.