LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN, KAISA SA UN SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS

Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez sa nagaganap na UN Sustainable Development Goals (UN SDGs) sa UN Headquarters sa New York City, United States of America.
Bahagi ng nasabing pagpupulong ang mga talakayin kaugnay sa pagpapaunlad ng sektor ng ekonomiya ng isang lugar maging ang mga kinakaharap na mga suliranin sa mga local government units at kung paano masolusyunan o maamyendahan ang mga ito.
Pagmumulan din ito umano ayon sa alkalde ng Dagupan ng mga ihahandang plano, programa at proyekto nabebenipisyuhan ng bawat Dagupeno.

Nasa walumpong libo o 80, 000 naman na mga alkalde sa buong mundo ang lumahok sa nasabing pulong at mula ang ilang kawani sa mga local at national governments, civil society organizations, mga stakeholders maging mga katauhan sa pagkamit ng itinakdang tagumpay ng SDG. |ifmnews
Facebook Comments