Nagprisinta ang Dagupan City ng ulat sa national government hinggil sa pinsala ng Bagyong Uwan sa isinagawang Situation Briefing sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen. Pinangunahan ang pulong ni Sec. Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr., na kumatawan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dumalo rin ang mga opisyal mula sa DAR, DSWD, OCD, at pamahalaang panlalawigan.
Tinalakay ang pinsala sa imprastraktura, kabuhayan, kabahayan, bilang ng mga pamilyang inilikas, at ang kinakailangang suporta para sa relief at rehabilitasyon.
Inilatag ng Dagupan ang kasalukuyang sitwasyon at mga urgent needs habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa national government para sa recovery efforts. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









