Iligan City – Subsob ang plano ngayon ng lokal na pamahaalan ng Iligan para masulosyonan ang problema ng trapiko sa lungsod.
Ito ang pahayag ni City Councilor Eric Capitan, ang chairman ng transportation at traffic sa konseho.
Ayon kay Capitan, hindi natutulog ang mga opisyal ng lungsod at tinatrabaho nila ang hinaing ng bawat iliganon hinggil sa patuloy na problema sa ng trapiko lalong-lalo na ngayong may magbubukas na namang isang malaking mall sa lungsod.
Bukas ang lokal na pamahalaan na tumanggap ng suhistyon para masolusyonan ang nasabing problema.
Sa ngayon, sinabi ni Capitan na may mga serye silang ginawa na public hearing para matalakay ang posibleng mga solusyon hinggil sa problema ng trapiko sa lungsod ng Iligan.
Facebook Comments