Lokal na pamahalaan ng Makati City, nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga jeepney driver ng lungsod na apektado ng COVID-19

Ipinag-utos na ni Makati City Mayor Abby Binay ang pamimigay ng P2,000 pinansiyal na tulong sa halos 2,000 na drivers ng jeepney na residente ng Makati at mga miyembro ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association (JODA).

Ang direktiba ng alkalde ay bahagi ng pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga miyembro ng impormal na sektor na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng P2,000 tulong pinansiyal ng lungsod ang 1,826 na rehistradong miyembro ng Makati JODA.


Ayon sa alkalde may tatlong paraan para makakuha ng nasabing tulong pinansyal, una, maaari mag-apply online sa http://bit.ly/MakatiFinancialAssistance; pa valses, tumawag sa mga hotline para sa tulong pinansyal na itinalaga para sa bawat barangay; at pangatlo, magsumite ng isang application form mula sa kanilang barangay at ibalik dito ang nasagutan na form.

Kapag naaprubahan anya ito, ihahatid sa mga bahay ng jeepney driver ang pera.

Facebook Comments