Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Makati, ang mga magulang sa lungsod na makiisa sa Chikiting Ligtas Bakunahan Program ng pamahalaan at ng Department of Health (DOH).
Matatandaan na naglunsad ang DOH ng Chikiting Ligtas Vaccination Program para sa mga batang may edad 0 hangang 59 months sa Barangay Pitogo, Lungsod ng Makati.
Umabot sa mahigit 50 bata ang nabakuhanan laban sa polio, tigas at rubella upang maging ligtas ang mga bata sa mga naturang sakit.
Samantala, nagpasalamat naman ang pamunuan ng Makati City Health Department sa pagbibigay ng pahanon na mabakunahan ang mga chikiting sa kanilang lungsod at patuloy na iikot pa sa iba’t ibang barangay ang DOH at MHD para magbakuna sa mga bata sa Makati.
Facebook Comments