Lokal na pamahalaan ng Makati, may panawagan sa mga magulang na may estudyanteng na mag-aaral sa susunod na School Year 2020-2021

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na tutulungan nila ang mga magulang ng lungsod upang maitaguyod ang ‘new normal’ sa edukasyon sa susunod na School Year 2020 – 2021.

Kaya naman, panawagan ni Makati Mayor Abby Binay sa mga magulang na suportahan ang mga bagong proyekto ng lungsod kaugnay sa pang-edukasyon.

Aniya, napakahalaga ng kanilang papel sa epektibong pagpapatupad ng makabagong paraan ng pagtuturo na iniaangkop sa kasalukuyang ‘new normal’ bunsod ng pandemya.


Dagdag pa niya, bibigyan ang mga magulang ng journal na naglalaman ng mga alituntunin kung papaano nila matutulungan ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Sa pagbubukas ng klase ngayon taon, isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang online education ng distance learning habang umiiral ang banta ng COVID-19 habang wala pang bakuna.

Facebook Comments