Lokal na pamahalaan ng Makati, nag-donate ng higit P93 milyong halaga ng armas sa PNP

Inihayag ni Mayor Abby Binay na nag-donate ang lokal na pamahalan ng mga armas sa Philippine National Police (PNP) ng Makati City na nagkakahalaga ng P93,402,050.

Aniya, layunin nito na mapagtibay ang kakayahan ng Makati PNP na mapanatili ang peace and order sa lungsod.

Napakahalaga aniya na palakasin ang kanilang mga hakbang sa pagsugpo ng krimen sa lungsod, lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Noong nakaraang buwan, nakatanggap din ang Makati PNP mula sa lokal na pamahalaan nito ng mga protective gear tulad ng combat at patrol shoes, holster rig, athletic uniform, posas at PNP bull cap.

Iginiit ng alkalde na patuloy pa ring susuportahan ng Makati City Government ang mga pulis nito.

Noong 2019, ang Makati City ay nag-rank 4 bilang safest city sa Southeast Asia batay sa ginawang survey ng isang International online research group na “Numbeo”.

Facebook Comments