Tiniyak ni Makati City Mayor Abby Binay na nagpapatuloy ang kanilanag ginagawang Disinfection drive sa tatlongput talong barangay nito laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Makita Mayor Binay, pinangunahan ng mga kawani ng Makati Health Department (MHD) ang nasabing hakbang, kabilang sa dinesinfect ang mga public spaces, habang sila ay nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE) bilang proteksyon.
Pahayag ng Alkalde na ang malawakang disinfection and sanitation drive ay ginawa bilang tugon sa pagdeklara ng World Health Organization (WHO) na isang ng global health emergency ang COVID-19 dahil sa mabilis na pagkalat ng naturang sakit sa bansa
Kabilang sa safety protocols na ipinatupad ng lungsod ng Makati laban sa COVID-19, ay ang ang pagpasara ng mga mall at mga public school at pasilidad, kasama ang mga establisyemento na imposibleng maiparupad ang social distancing.
Kasama din dito ang pagpapatupad ng citywide curfew mula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga, simula noon March 16 hanggang April 14, 2020.