Nagpatawag ng emergency meeting si Manaoag Mayor Jeremy Rosario kaugnay sa kaso ng panggagahasa sa kanilang bayan.
Dito ay hinikayat nito ang mga nagpapatupad ng batas kaugnay sa Anti-Violence Against Women and their Children na mahigpit na ipatupad ang mga batas na ito.
Sinabi sa isang pagpupulong, ayon kay Police Chief Master Sergeant Claire Urbano na magmula Enero ngayong taon hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na ng dalawampu’t dalawang (22) kaso ng panggagahasa sa bayan at sa pinakahuli ay nakapagtala sila nito lamang Miyerkules.
Sa hanay ng PNP ay madalas umano silang magsagawa ng mga pagtuturo sa mga eskwelahan at paaralan kaugnay sa nasabing paksa. | ifmnews
Facebook Comments