Lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, naglaan na rin ng pondo para makabili ng COVID-19 vaccine

Naglaan na rin ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ng pondo para makabili ng bakuna kontra COVID-19 sakaling may aprubahan na ang gobyerno.

Nabatid na umaabot sa P200 milyon na budget ang napagdesisyunan ng lokal na pamahaalan ng Mandaluyong sa pagbili ng bakuna.

Kaugnay nito, pinulong ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ang binuong komite na kanyang itinalaga para pangasiwaan ang kukuning COVID-19 vaccine.


Ito’y upang masiguro na may sapat na bakuna para sa lahat ng residente sa lungsod.

Binilinan din ng alkalde ang COVID-19 cluster committee members na siguruhin ang maayos na sistema sa pagbabakuna.

Unang bibigyan ng bakuna ang mga health care workers, mga frontliners at mga senior citizen base na rin sa polisiya ng World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa kasalukuyan, nasa 108 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong; 5,973 ang kumpirmadong kaso; 175 ang nasawi at 5,690 ang nakarekober sa virus.

Facebook Comments