Lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, nakahanda sa pagrarasyon ng tubig

Inihayag ngayon ng lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong na tatlo sa dalawamput-pitong barangay sa lungsod ang patuloy na nakakaranas ng walang suplay ng tubig.

 

Ayom kay Mandaluyong Public Information Officer Jimmy Isidro, nakahanda na ang mga firetrucks na iikot at magrarasyon ng tubig kung saan inaasahan na nila na ngayon oras ay humina o wala na din tulo ang mga gripo sa iba pang barangay.

 

Nabatid kasi na mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ngayon hapon lamang may suplay ng tubig kaya’t sigurado daw sila na karamihan sa mga residente ay kailangan pa din rasyunan ng tubig.


 

Maging ang mga naka-duty na mga pulis sa kanilang lungsod ay sasama na din sa pagrarasyon upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

Facebook Comments