LOKAL NA PAMAHALAAN NG MANGALDAN NAGBABALA UKOL SA KUMAKALAT NA AYUDA SCAM SA BAYAN

MANGALDAN, PANGASINAN – Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan ukol sa kumakalat na ayuda scam partikular na sa kumakalat na online google form kung saan nanghihingi ng mga pribadong impormasyon kapalit ang pangakong limang taon ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na advisory ng alkalde ng bayan, isang Rannie Terte ang nagpapanggap bilang municipal manager sa Mangaldan Beneficiaries at nag-iikot sa mga barangay upang manghingi ng impormasyon ng mga residente nito.

Ayon sa LGU Mangaldan, hindi sila konektado sa nabanggit na indibidwal at wala iton pahintulot sa tanggapan ng LGU.

Nagpaalala naman ang otoridad na maging maingat sa pagbibigay ng mga impormasyon sa ibang tao at ireport sa kinauukulan ang anumang klase ng scam upang mapanagot ang mga gumagawa ng illegal na gawain sa bayan. | ifmnews

Facebook Comments