Lokal na pamahalaan ng Marawi sinisikap na mapangalagaan at mabigyan ng sapat na tulong ang mga bakwit; Tent City sinimulan nang itayo sa Marawi

  MARAWI CITY- Sinisikap ngayon ng lokal na pamahalaan ngMarawi City na mapangalagaan at mabigyan ng sapat na tulong ang mga InternallyDisplaced Person o IDPs.
 
  Sa ngayon ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra namaayos naman ang kalagayan ng mga IDPs sa ibat-ibang mga evacuation center salanao del norte at iligan city pero mas mainam at maganda pa rin umano namakabalik na sila sa kani-kanilang mga tahanan sa marawi.
 
  Kayat, inaasahan ni Gandamra na matatapos na ang patuloyna kagulohan sa kanilang lugar kung saan halos lahat ng residente sa marawi angna-apektuhan.
 
  Sinabi ng alkalde na ngayon ay unti-unti na nilangtina-trabaho ang isang malaking tent city para sa mga bakwit na sa mismonglugar sa marawi ilalagay.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments