Lokal na pamahalaan ng Maynila, bumili ng gamot na gagamitin para sa mga COVID-19 patients

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na nakabili ang lokal na pamahalaan ng 2000 vials ng Remdesivir na gagamitin para gamutin ang mga mild, moderate at severe COVID-19 patients sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, umaabot sa P13 million ang nagastos ng lokal na pamahalaan sa naturang gamot na nagkakahalaga ng P6500 kada isang piraso.

Sinabi pa ni Moreno na mas mababa ang nakuha ng Manila Local Government Unit (LGU) sa naturang gamot kumpara sa market price nito na P20,000 pesos kada isa.


Pero nilinaw naman ng alkalde na hindi bakuna ang Remdesivir at igniit nito na isa lamang anti-viral medication ang binili nilang gamot.

Paliwanag naman ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang naturang gamot ay hindi mabibili over the counter at gagamitin lamang sa mga ospital sa Lungsod ng Maynila.

Ang hakbang naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagbili ng Remdesivir ay upang mapalakas pa ang kanilang mga ginagawa para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments