Hindi nababahala ang pamahalaang lokal ng Maynila sa banta ng Dept. of Interior and Local Govt. o DILG na sasamphan ng kaso ang mga lokal na opisyal na mahina o walang aktibong kampanya laban sa ilegal ng droga.
Sa halip, pinayuhan pa nila ang DILG na maghinay hinay sa paghahayag ng wala namang basehan.
Ayon kay Atty. Jojo Alcovendras, City Administrator ng Maynila, batay sa datos mula sa tangggapan ng alkalde ng lungsod matatandaan na hindi pa man nakapaglalatag ng kampaniya ang DILG kaugnay ng pagpapalakas ng mga tinatawag barangay anti drug abuse council.
Nauna nang nakapagtatag ang maynila ng programang D.A.R.E o Drug Abuse Resistance Education kung saan inilalayo ang mga kabataan impluwensya ng illegal na droga.
Bukod dito ay ipinagmalaki ng Maynila, na magkatuwang ang mga barangay officials ng lungsod at ng Manila Police District (MPD) sa pinaigting na kampanya laban sa mga sangkot sa pagbebenta at laban sa mga gumagamit ng illegal na droga.