Lokal na pamahalaan ng Maynila, may bago nang high-end na ambulansya

Mayroong bagong 12 Advance Cardiac Life Support Ambulance ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Maynila.

Ang anim sa mga ito ay ide-deploy sa ilang mga district hospital sa lungsod habang ang iba ay gagamitin sa quick reaction mobilization and support ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon kay Arnel Angeles, pinuno ng MDRRMO, binili pa sa Amerika ang mga bagong ambulansya kung saan bawat cardiac life support ambulance ay mistulang mini-hospital dahil kumpleto ito ng kagamitan.


Sinabi naman ni Mayor Isko Moreno na ang mga 12 ambulansiya ay nagkakahalaga ng halos P300 milyon na binili pa sa Amerika.

Aniya, malaking bagay ang magkaroon ng sariling ambulansiya ang pamahalaang lungsod lalo na ngayong hindi pa rin nawawala ang COVID-19.

Samantala, ipinamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nasa 650,000 christmas food boxes sa bawat pamilya sa 13 barangay sa lungsod.

Facebook Comments