Ipinaalala ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila na wala munang magaganap na anumang aktibidad sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Pebrero 11.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, naabisuhan na ng lokal na pamahalaan ang mga Filipino-Chinese community sa lungsod na walang magaganap na event sa Chinese New Year.
Aniya, nagpupulong na rin ang mga organisasyon pero tiniyak nito na walang paradang magaganap sa nasabing pagdiriwang.
Kabilang rin sa hindi papayagan ang mga concert at parada na karaniwang isinasagawa sa bahagi ng Binondo.
Sa ngayon, may mga paghahanda nang ginagawa upang mas maagang maabisuhan ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry in External Affairs lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19 bukod pa sa bagong variant nito na meron nang naitala sa bansa.