Lokal na pamahalaan ng Maynila, naghahanap ng magiging benepisyaryo para sa kanilang kasama program

Naghahanap ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng mga magiging benepisyaryo para sa KASAMA (KAlinga SA MAnileño) program.

Layunin ng nasabing programa na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Manileño na nawalan ng trabaho o naghahanap ng trabaho.

Ang mga matatanggap ay maaaring magkaroon ng sweldo na P537.00 kada araw at group accident insurance.


Ilan sa mga kwalipikasyon ng nasabing programa ay pawang mga residente ng Maynila na walang trabaho, 18 taong gulang pataas at payag na magtrabaho at ma-assign sa iba’t ibang Departamento o tanggapan sa lungsod ng Maynila.

Kinakailangan na lahat ng aplikante ay dapat sagutan ang form via online kung saan ang link ay makikita sa social media page ng PESO Manila at hintayin ang tawag kung kumpirmado na ang aplikasyon.

Kapag aprubado na, ihanda na ang mga sumusunod tulad ng KASAMA Form na may 2×2 photo; Affidavit of No Income (hindi na kailangang ipa-notaryo); Barangay Certification at apat na photocopy ng kahit anong valid government ID o kaya ay Barangay identification card na may number.

Paalala ng lokal na pamahalaan na mahigpit na ipinagbabawal ang mga walk-in applicants.

Facebook Comments