Lokal na pamahalaan ng Maynila, nagpadala ng mga tauhan sa Cebu para tumulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette

Bumiyahe na patungong probinsiya ng Cebu ang 14-man contingent na padala ng lokal na pamahalaan ng Maynila na pawang mga miyembro ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (Manila DRRMO).

Ang naunang team na ipinadala ng Maynila ay upang magsagawa ng Rescue and Humanitarian Assistance Operation sa Cebu upang tulungan ang mga kapatid na residente rito na nasalanta ng Bagyong Odette.

Bukod dito, naghahanda na rin ang second batch ng mga tauhan ng Manila DRRMO na magtungo sa Cebu kung saan kasalukuyan na silang nagkakarga ng emergency units sa pier at inaasahang darating sa nasabing probinsiya sa kamakalawa ng umaga.


Layunin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sa maliit na paraan ay makatulong sa pamahalaang panlalawigan ng Cebu upang mas mapabilis ang kanilang pagbangon.

Hangad rin ng Manila Local Government Unit (LGU) na makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng Cebu at masimulan na rin agad ang kanilang mga Build Back Better na mga programa.

Facebook Comments