Lokal na pamahalaan ng Maynila, nakalikom ng higit 20 milyong donasyon para sa ilang nakalatag na proyekto sa lungsod

Umabot na sa 21.7 milyung piso ang nakuhang donasyon ng Manila City Government para sa ilan nilang nakalatag na proyekto.

Ang nasabing pondo ay nagsimulang makolekta noong July 2019 kung saan mapupunta ito sa pagpapagawa ng Vertical Housing Projects para sa mga informal settlers, public health facilities at iba pang proyekto.

Laking pasasalamat naman ni Mayor Isko Moreno dahil aniya malaking tulong ito para maisakatuparan ang bawat proyekto sa lungsod at ang paghahayag ng nasabing pondo ay bilang bahagi ng transparency ng lokal na pamahalaan ng Maynila.


Samantala, iniimbitahan ni Mayor Isko ang mga nais mag-avail ng libreng operasyon sa Cleft Lip at Palate na hatid ng ‪Sta. Ana Hospital at Operation Smile.

‪Sa mga interesado, maaaring magparehistro sa numerong 0995-7665091 at 0908-1752271 kung saan gaganapin ang screening sa April 13 habang sa April 16 at 17 naman ang operasyon.

Facebook Comments