Mahigit 120,000 senior citizens sa Maynila ang nakatanggap ng gatas mula sa Lokal na Pamahalaan na bahagi ng ayuda habang may COVID-19 crisis.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bumili ang City of Manila ng masustansyang gatas o supplement para pandagdag proteksyon sa kalusugan ng mga lolo at lola.
Nakabase ang hakbang ng Lokal na Pamahalaan sa mga pag-aaral na mas delikado ang mga matatanda na mahawa ng COVID-19.
Ang pamamahagi ng gatas para sa mga senior citizens ay idinaan sa mga opisyal ng barangay.
Bukod dito ay nauna ng pinagkalooban ng ₱1,500 na cash pension ang mga duly-registered senior citizen sa Maynila.
Mahigit sa 64,000 senior citizens ang nabiyayaan ng Social Amelioration Program (SAP) ng Manila City Government.
Facebook Comments