Lokal na pamahalaan ng Maynila, nananawagan para sa isasagawang 24/7 vaccination

Nananawagan ngayon ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa ibang mga doktor, nurse at medical personnel na lumapit sa kanila para sa isasagawang 24/7 na pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, magtungo lamang sa kaniyang opisina ang mga interesadong indibidwal upang mailatag na agad ang plano sa lalong madaling panahon.

Sinabi ng alkalde na bukod sa mga doktor, nurses at medical frontliners, maaari din lumapit sa kaniya ang mga lisensyadong magturok ng bakuna para mas lalong mapabilis proseso sa gagawing 24/7 COVID-19 vaccination.


Kinakailangan din niya ng mga karagdagang volunteers na may kaalaman sa pag-eencode sa computer para sa mga data na kakailangain.

Nanawagin din siya sa mga estudyante sa kolehiyo, SK officials at iba pang kabataan para tumulong sa gagawing bakunahan na walang tulugan o 24/7 vaccination program.

Ang plano ng lokal na pamahalaan ay upang matugunan na rin ang layunin ng national government na maturukan ang lahat kung may sapat na suplay ng bakuna.

Sa mga interesado naman na indibdwal ay maaaring tumawag o mag-text sa numerong 0995-1069524.

Facebook Comments