Lokal na pamahalaan ng Maynila, sinuspindi na ang pasok sa mga paaralan sa Huwebes o araw ng traslacion

Ini-utos na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang suspensyon ng mga klase sa lahat nga unibersidad, kolehiyo at paaralan sa lungsod ng Maynila sa Enero a-nuebe o araw ng Traslacion.

Kasabay nito, ini-utos din ni Yorme ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng mga departmento, opisina at mga bureau na nasa ilalim ng Manila City government.

Hindi naman sakop ng kautusan ang mga city government offices na may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management, maging sa sanitation.


Ang suspensyon ng trabaho sa national government offices at private companies na nasa Maynila ay nasa diskresyon na ng kani-kanilang pamunuan management o kaya ng heads of office.

Samantala, nagsagawa ng cleaning operations ang lokal na pamahalaan ng maynila sa paligid ng quiapo church kung saan muli nilang inabisuhan ang mga vendors na mahigpit na ipagbabawal ang pagtitinda.

Ang nasabing hakbang ay bilang parte na din ng paghahanda sa nalalapit na traslacion 2020.

Facebook Comments