Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, naglagay ng mga PUV stop bilang paghahanda sa pagbalik-operasyon ng mga jeep

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na nagtalaga sila ng mga pick-up at drop-off points para sa Public Utility Vehicles (PUVs) bilang paghahanda ng lungsod sa muling pagbiyahe ng mga jeep sa susunod na linggo.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, pinag-aaralan umano ito ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) na layunin na maging maayos ang public transportation system sa lungsod.

Aniya, inilagay ang PUV stops sa kahabaan ng National Road at Alabang-Zapote Road.


Batay sa plano ng MTMB, ang PUV na mula Alabang hanggang Tunasan na dadaan sa National Road route ay meron 18 PUV stops.

Habang ang mula Alabang papuntang Buencamino via Alabang-Zapote Road route ay meron naman walong PUV stops.

Pakiusap naman ng alkalde sa mga pasaherong gagamit ng mg PUV pick-up at drop-off points na sundin ang social distancing at magsuot ng face mask.

Facebook Comments