Lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, namahagi ng “NutriPan”

Namigay ng NutriPan o ‘Nutritious Pandesal’ ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa sa mga batang residente nito.

Ang nasabing NutriPan ay may iron, vitamin A at malunggay.

Layunin ng nasabing hakbang na tugunan ang nutritional needs ng mga undernourished na mga bata sa lungsod.


Ito ay para rin mapalakas ang kanilang immune system upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan laban sa banta ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Pinangunahan ang nasabing programa ng Muntinlupa Gender and Development, City Nutrition Committee at Office of Congressman Ruffy Biazon.

Samantala, umabot na sa 205 ang COVID-19 confirmed cases sa lungsod, 30 rito ang nasawi at 127 naman ang mga nakarekober.

Nasa 21 rin ang bilang ng suspected cases at 195 naman ang bilang ng probable cases sa lungsod.

Facebook Comments