Lokal na pamahalaan ng Naga City sa Cebu, pinuri ni Mayor Isko Moreno sa pagbisita nito

Pinuri ni Mayor Francisco “Isko” Moreno ang lokal na pamahalaan ng Naga City sa Cebu sa pamumuno ni Mayor Kristine Chiong dahil sa pagsisikap nito na maglaan ng open green spaces sa kanilang lungsod.

Ito’y para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapag-relax at i-enjoy ang kagandahan ng kalikasan.

Ang pahayag ni Mayor Isko ay kasunod ng pakikipag-ugnayan nito sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, women sector at barangay health workers sa “Pasilong sa Naga” na isang world-class green public park na matatagpuan sa Barangay East Poblacion.


Ayon sa alkalde, mahalaga magkaroon ng mga open green space sa kada komunidad upang mahimok ang publiko na magkaroon ng physical exercises, mabawasan ang polusyon at maging maayos ang kalusugan ng indibidwal.

Muli rin iginiit ni Mayor Isko na ang mga ganitong uri ng proyekto ang nararapat sa publiko kung saan nais niyang palawakin pa ang mga ito sakaling palarin sa halalan.

Ang pagbisita ng alkalde sa Naga City sa Cebu ay bilang bahagi ng kaniyang listening tour kung saan nauna na niyang napuntahan ang munisipalidad ng Balamban at Toledo City.

Facebook Comments