Lokal na pamahalaan ng Navotas, magpapatupad muna ng modular at online classes

Nagdesisyon na ang lokal na pamahalaan ng Navotas na magpatupad ng modular at online classes sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ito’y sa gitna ng isasagawang malawakang transport strike simula sa bukas, March 6.

Nabatid na nais ng Navotas LGU na masiguro ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral habang may transport strike kaya’t sinuspinde ang onsite o face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.


Nais din nila na hindi maantala ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa ating mga kabataan kung saan maghahandog ng libreng sakay ang pamahalang lungsod simula Lunes, alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi para sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Iikot ang libreng sakay sa Monumento, Divisoria, Dagat-dagatan at pabalik.

Magbibigay rin ng libreng sakay ang 18 barangay gamit ang kanilang mga service vehicle sa rutang nasa loob ng Navotas.

Pinapayuhan ang lahat na patuloy na abangan sa Navoteño Ako Facebook page ang iba pang anunsyo kaugnay ng transport strike at iba pang inisyatibo ng pamahalaang lungsod.

Facebook Comments