Lokal na pamahalaan ng Parañaque, muling nagpaalala sa mga residente sa lungsod na huwag kalimutan na sumunod sa health protocols ngayong Simbang Gabi

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga residente nito na huwag kalimutan na sumunod sa inilatag na minimum health protocols ngayong Simbang Gabi.

Ito’y matapos na pumalo sa higit 100 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Base sa datos ng Parañaque City Health Office and Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nasa 110 na ang active cases matapos makapagtala ng 25 na bagong kaso kahapon.


Nasa 7,824 naman ang bilang ng kumpimadong kaso ng COVID-19 habang umakyat naman na sa 200 ang nasawi sa virus.

Umaabot na rin sa 7,514 ang nakarekober kung saan sa kabila nito ay pinag-dodoble ingat ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang publiko sa pagpunta sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, pamilihan at mga malls.

Sa ngayon ang Barangay La Huerta pa rin ang walang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 habang ang Barangay BF Homes ay mayroong 16 na kaso.

Facebook Comments