Tiwala ang lokal na pamahalaan ng Parañaque na sa pamamagitan ng bagong sistema ng single tickteting, madidisiplina na nito ang mga motorista.
Matututo na rin umano ang mga motorista na igalang ang batas trapiko, saan mang lugar sila magpunta.
May magandang epekto rin ito sa mga motorista dahil sa mayroon ng pare-parehong multa ang top 20 common traffic violations.
Matatatandaan na nakasaad sa Metro Manila Traffic Code of 2023 na mayroong mula P500 hanggang P5,000 ang ilang mga pangkaraniwang violations gaya ng obstruction, driving without license, reckless driving, overloading at iba pa.
Ngayong araw, uumpisahan ang pagpapatupad nito sa mga pangunahing lungsod kabilang na ang Quezon, San Juan, Maynila, Muntinlupa, Caloocan at Valenzuela.
Samantala, umaasa naman ang Parañaque LGU, na mas kakaunti na lamang ang magiging bilang ng mga aksidente sa pagsisimula ng bagong programa.