Lokal na pamahalaan ng Pasay, hinimok ang mga residente nito na magpabakuna kontra COVID-19

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente at mangagawa sa lugar na magpabakuna at booster shot kontra COVID-19.

Base sa pinakahuling datos, 860,676 ang bakunang naiturok na sa kanilang lungsod.

Ayon sa datos ng City Health Department, 29 ang nadagdag sa mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pasay City.


Dahil dito, umakyat na sa 31,612 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 54 naman ang aktibong kaso.

Facebook Comments