Lokal na pamahalaan ng Pasay, makikipagpulong sa mga magulang bilang paghahanda sa pagbabakuna sa mga bata

Hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang mga magulang sa lungsod na dumalo sa isasagawa nilang virtual townhall meeting.

Ito’y bilang paghahanda para sa pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang sa darating na Biyernes.

Paraan din ito para malaman ng mga magulang ang kahalagahan ng bakuna para sa mga bata at mawala na rin ang pangamba ng mga ito sakaling mabakunahan ang kanilang anak


Sa abiso ng Pasay LGU, pangungunahan ni Dra. Anna Lisa Ong-Lim isang Pediatric Infectious Disease Specialist, ang pagpupulong na magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Bukod sa mga magulang, inaanyayahan din ang mga guro, barangay officials, healthworkers at iba pa na makibahagi sa nasabing townhall meeting.

Makikita naman sa official Facebook page ng Pasay City Local Government Unit (LGU) para sa iba pang detalye para sa gagawing pagpupulong.

Facebook Comments