Lokal na pamahalaan ng Pasay, pinagdo-doble inggat ang mga residente dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod

Pinagdo-doble ingat ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang mga residente sa lungsod bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng karagdagang 51 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,504 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 265 ang probable at 105 ang suspected cases.


Nananatili pa rin sa 51 ang naitalang namatay at 679 na mga residente ng Pasay ang nakarekober sa sakit.

Patuloy na nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente na manatili na lamang sa bahay, magsuot ng face mask kung kinakailangan talagang lumabas, laging gawin ang physical distancing at ugaliing maghugas ng kamay para makaiwas sa sakit.

Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng lokal na pamahalaan sa ibang mga residente nito tulad ng mga tsuper ng pampasaherong jeep na wala pa ring biyahe gayundin ang mga nasa slum areas.

Facebook Comments