
Nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon sa pamilya ng batang babaeng natagpuang patay sa Barangay Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City.
Nangako si QC Mayor Joy Belmonte na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng nasawing biktima at nangakong walang puwang sa lungsod ang ganitong karahasan.
Sa panig naman ni 5th District Councilor Alfred Vargas, hinihingi nito sa mga kinauukukan na tiyaking agarang mabibigyang katarungan ang sinapit ng biktima.
Aniya, ang ganitong uri ng krimen sa menor de edad ay maituturing na kirot sa buong komunidad, kaya hindi ito dapat palalampasin.
Kanina ay sinampahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ng kasong rape with homicide ang trese anyos na lalaki na suspek na natunton at umamin mismo sa krimen.









