Lokal na pamahalaan ng QC, namigay na rin ng face shield sa mga tricycle driver, motorcycle at bike riders at commuters

78

Namahagi ng libreng face shields ang Quezon City Local Government sa mga constituents nito sa lungsod.

Partikular na nakatanggap ay ang mga tricycle at pedicab drivers, mga motorcycle at bike riders pati mga commuters.


Ginawa ng QC Task Force for Transport at Traffic Management ang nasabing hakbang para makatiyak na nasusunod ang direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na nag-oobliga sa lahat ng pasahero at nasa transport sector na magsuot ng face shield bukod sa face mask.

Bahagi rin ito ng ibayong pag-iingat at pagpapalakas ng “wear a mask campaign “ng LGU laban sa COVID 19.

Ilang lugar na ang inikutan ng task force simula kahapon para sa distribution ng face shields, kabilang ang del Monte, Roosevelt, Batasan, Litex, Commonwealth, Matandang Balara, Anonas at Project.

Kabilang din ang lugar ng Philcoa, Krus na Ligas, Galas, Tatalon, Novaliches, Luzon Avenue, Visayas Avenue at Tandang Sora.




Facebook Comments