Nahahahanap ngayon ng mga volunteers ang Quezon City Government para mas lalo pang mapalakas ang kampanya nito laban sa COVID 19 pandemic.
Magiging bahagi ang mga ito ng Kilusan Kontra COVID o KILKOVID, isang alyansa ng mga mga concerned citizens, multi- sectoral organizations at Quezon City Local Government na pangunahing layunin ay magtulungan para sa information dissemination.
Layon nito na makakabuo ng positibong impact tungo sa isang may mas kaalaman na lipunan.
Hinimok ng KILKOVID volunteers ang bawat isa na maglaan ang kahit konteng panahon para ibahagi ang kanilang talento at kaalaman na makakatulong sa kapwa para labanan ang pandemya.
Ayon sa LGU, bukas na ang link na bit.ly/kilkovidvolunteers sa sinuman na gustong mag-alok ng serbisyo sa pamahalaang lungsod.
Samantala base sa huling datos ng City Health Department, nasa 81 porsiyento na o 15,361 ang COVID-19 patient ang gumaling na.
May 3,013 active cases pa ang patuloy na ginagamot habang 544 ang mga nasawi sa ngayon ay may kabuuang 18,918 ang bilang ng COVID confirmed at validated cases sa lungsod.