Tiniyak ng Quezon City Government na paiigtingin ang surveillance campaign nito.
Ito ay matapos maitala ang unang kaso ng polio sa Metro Manila partikular sa lungsod.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte – isang tatlong taong gulang na bata mula sa Sitio Kaliwa, batasan Hills ang nagpositibo sa polio.
Inatasan ni Mayor Belmonte si QC Health Department Head, Dr. Esperanza Arias na bantayan ang kaso.
Makikipag-coordinate din ang LGU sa Department of Health (DOH) para matiyak na hindi na kumakalat sa sakit.
Magsasagawa din ang QC Health Department ng malawakang information campaign para hikayatin ang mga residente na mag-practice ng proper hygiene at handwashing.
Base sa initial reports mula sa QCHD, ang bata ay nabigyan na ng limang doses ng anti-polio vaccine.