Sunday, February 1, 2026

Lokal na Pamahalaan ng Quezon, nakahanda na sa paghagupit ng Super Typhoon Uwan

Inihayag ni Quezon 1st District Representative Mark Enverga na sapat ang mga paghahandang ikinasa ng mga lokal na pamahalaan sa kanyang lalawigan upang harapin ang nakaambang matinding pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay Enverga, nakalatag na ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng provincial government at mga lokal na opisyal.

Dagdag pa ni Enverga, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagpasalamat naman si Enverga kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na agad nag-preposition ng mga kinakailangang relief good sa probinsya ng Quezon, pati na rin sa Polillo Island

Facebook Comments