Lokal na pamahalaan ng Taguig, nagpadala ng Search and Rescue Team sa Cebu na tinamaan ng malakas na lindol

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa operasyon matapos tamaan ng sunod-sunod na kalamidad ang bansa—una na ang Bagyong Opong sa Masbate at ang 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.

Ngayong umaga, nagpadala ang Taguig ng Search and Rescue Team patungong Cebu, kasama ng iba pang lokal na pamahalaan, sa isang misyon na pinangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD) upang tumulong sa mga apektadong komunidad.

Bagama’t nakatutok muna sa Cebu ang agarang deployment, nagpahayag din ng pakikiisa at suporta ang Taguig sa Masbate na matinding tinamaan ng bagyo.

Una nang sinabi ng Taguig LGU na nakaantabay sila at handa silang magbigay at mag-deploy ng kanilang mga tauhan lalo na sa nangyayaring sunod-sunod na kalamidad sa bansa.

Facebook Comments