Lokal na pamahalaan ng Valenzuela, naghahanda na para sa pagbabakuna ng booster shots sa A2 at A3 groups

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City para sa pagbabakuna ng booster dose ng COVID-19 vaccine sa mga kabilang sa A2 at A3 priority groups.

Kasunod na rin ito ng pagsisimula ng bakunahan ng booster vaccines para sa mga medical frontliners sa lungsod na inumpisahan nitong nagdaang Sabado.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan ay mangyaring maghintay lamang ng kanilang ilalabas na panuntunan sa booster shots para sa mga senior citizens at may mga comorbidities.


Paalala naman ng Local Government Unit (LGU) na para makatanggap ng booster vaccine ay kailangang naka-anim na buwan na o higit pa mula nang makatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Sa mga naunang health care workers na nakatanggap ng booster shots, ay Astrazeneca at Pfizer ang naibigay na booster para sa mga naunang naturukan ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Moderna.

Facebook Comments