Lungsod ng Muntinlupa, namigay ng manok at face mask

Namigay ng dressed chicken ang Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa sa mga residente nito.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, ito ay bahagi ng kanilang relief assistance para sa mga residente habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila.

Bukod sa manok, namigay rin ng libreng face mask ang Gender and Development Office (GAD) ng lungsod.


Ang Muntinlupa City ay nakapagtala ng 278 confirmed cases ng COVID-19, 35 ang nasawi at 177 naman ang nakarekober.

Facebook Comments