LOKAL NA PRODUCER, DIREKTANG IKOKONEKTA SA MGA NUTRITIONPROGRAM SA ILANG AHENSIYA NG PAMAHALAAN

Upang mapalakas ang seguridad sa pagkain at kabuhayan sa Region 1, direktang ikokonekta ng pamahalaan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda sa mga institusyong nagpapatupad ng feeding at nutrition programs.

Sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) na nilagdaan ng 25 ahensya ng gobyerno sa Bauang, La Union, magsu-supply ang mga lokal na prodyuser ng bigas, gulay, isda, at karne sa mga paaralan, ospital, at kulungan.

Layon nitong magkaroon ng tiyak na merkado para sa mga lokal na produkto habang pinatitibay ang nutrisyon ng mga benepisyaryo.

Ayon sa DSWD, magsisilbi rin itong hakbang para mabawasan ang kahirapan sa mga kanayunan at gawing sapat ang suplay ng pagkain sa rehiyon.

Facebook Comments