Lokal na produksyon ng bigas para sa taong 2020, tumaas!

Sumipa sa 85% ang self-sufficiency level ng lokal na produksyon ng palay sa bansa para sa taong 2020.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), higit na mas mataas ito kumpara sa naitalang 79.8% noong 2019 na siyang pinakamababa sa nakalipas na walong taon.

Anila, ang nasabing pagtaas ay bunga ng positibong resulta ng Rice Tarification Law.


Pero batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), hindi pa rin nakasasabay ang bansa sa lumolobong populasyon pagdating sa pangangailangan sa bigas.

Paliwanag nito, lumago lamang kasi ng 0.6% kada taon ang produksyon ng palay sa pagitan ng taong 2018 at 2020.

Facebook Comments