Lokal na produksyon ng manok, hindi apektado ng bird flu

Hindi apektado ng bird flu ang lokal na produksyon ng manok tulad ng pugo at itik.

Ayon sa kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Elias Inciong, ang karaniwang tinatamaan ng bird flu ngayon ay ang mga lugar na malapit sa wet lands na karaniwang pinupuntahan ng migratory birds.

Nauna nang pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang suspensyon sa pagbiyahe ng land birds mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Central Luzon, Bicol patungo sa MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.


Batay sa monitoring ng DA, nasa ₱180 kada kilo ang presyuhan ng manok sa merkado at may nakaimbak din na 24 milyong kilo ng manok sa cold storage sa buong bansa kung saan kalahati dito ay lokal at ang kalahati ay imported.

Sa kasalukuyan ay wala namang problema sa mga supply ng manok sa pamilihan.

Facebook Comments