Lokasyon ng nawawalang eroplano ng Sriwijaya Air Boeing 737 sa Indonesia, natagpuan na!

Natagpuan na ng Indonesian Navy ang lokasyon ng bumagsak na eroplano ng Sriwijaya Air sa Jakarta, Indonesia kagabi at may natagpuan na debris.

Ayon kay Navy Abdul Rasyid, nagpadala na agad ang mga otoridad ng mga rescue boats sa kinaroroonan ng eroplano.

Matatandaan, napauna nang napaulat na nawawala ang Boeing 737-500 ng Sriwijaya Air kagabi sakay ng 62 na pasahero kabilang ang 10 bata ilang minuto lamang matapos nitong lumipad patungo sanang pontianak sa West Kalimantan.


Samantala, hindi pa tinukoy ang eksaktong pinagbagsakan ng naturang eroplano.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments