Lokasyon sa Amerika ng mag-inang Trangia, tinutunton ng Interpol

Manila, Philippines – Tinutunton na ng International Police Organization ang pinagtataguan sa Amerika ng mag-inang Trangia.

Si Ginang Rosemarie Trangia ay kabilang din sa mga kinasuhan kaugnay ng pagkamatay ni hazing victim Horacio Castillo III.

Ito ay matapos na samahan ni Mrs. Trangia ang anak nitong si Ralph na isa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.


Ayon kay Manila Police District Director Joel Coronel, tiniyak naman ng Interpol na agad silang magbibigay ng feedback oras na matunton ang mag-inang Trangia.

Pina-plansta na rin ng MPD ang kanilang formal na request sa
Department of Foreign Affairs para makansela ang pasaporte ng mag-ina.

Sa oras na makansela ang pasaporte ng dalawa, magiging undocumented alien sila at mapapabilis ang pagpapadeport sa kanila pabalik sa Pilipinas.

Facebook Comments