Sugatan ang isang 72 anyos na lola nang masagasaan habang tumatawid sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Minien East, Sta Barbara, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, aksidenteng nasagasaan ng paparating na motor ang biktima nang hindi mapansin ang biglaang pagtawid nito.
Dahil sa insidente, sugatan ang biktima maging ang driver at backride nito.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









